Wala na ang araw
Nasa palad tayo nang takipsilim
Bumubulong sa atin ang hangin
Ako’y iyo at ikaw ay akin
Mga pangako ay nasusunog sa ilalim nang bituin
Ang panaginip na gawa lang sa buhangin
Wala na ang araw
Nakaluhod na ang budhi
May lihim na umiikot
Mag-ingat ka baka ika’y mahulog
Mga pangako na lumiliyab sa ilalim nang bituin
May pasyon na gumagapang sa dilim
Magsasayaw sa kasalanan nang isa’t isa
Ang walang katapusang apoy ng kalikasan
Kung gusto mo pa
Wala na ang araw
Nasa lilim tayo ng buwan
Tayo na
Ang kapalaran ay kasarapan
Hangga’t wala ng ibang gagawin kundi
Maghintay ng umaga
Zeige deinen Freunden, dass dir Kung Gusto Mo Pa von Wolfgang gefällt:
Kommentare