Bakit Ba Songtext - Siakol

Bakit Ba - Siakol

Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama

Mas okey pang laging gan'to, nalilimutan ka
Hindi ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo
Bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko?
Tandang-tanda ko pa noong tayo'y namamasyal

Napasulyap lang sa iba, bigla mo na 'kong sinampal
At sa kaseselos mo nga'y lalong minahal kita
Subalit nasaan ka na, sumama sa iba

Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba, sa akin ba'y nagsawa na
Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya
Wala pa ring k'wenta, bakit ba?

Ano ba ang nakita mo at pinagpalit mo 'ko
Nakasisiguro ka ba ngayon sa bago mo
Sana ay mahalin ka n'ya at wag kang sasaktan
Kahit di na tayo, problema mo'y sabihin lang
Pilit ka mang limutin ay naghihintay pa rin
Nagbabakasakali na muli kang dumating
Bakit ba kay hirap ng kalagayan ko ngayon
Kaya sa 'king sarili ay laging nagtatanong
Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba, sa akin ba'y nagsawa na
Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya
Wala pa ring k'wenta, bakit ba?
Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba, sa akin ba'y nagsawa na
Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya
Wala pa ring k'wenta, bakit?
Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba, sa akin ba'y nagsawa na
Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya
Wala pa ring k'wenta, bakit ba?


Video: Bakit Ba von Siakol

Teilen

Zeige deinen Freunden, dass dir Bakit Ba von Siakol gefällt:

Kommentare