Gaano Kadalas Ang Minsan (Minus One) Songtext - Lani Misalucha

Gaano Kadalas Ang Minsan (Minus One) - Lani Misalucha

Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan,
Sindalas na rin ng dami ng bituin waring walang hanggan.
Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman,
Kahit sandali halik mo'y dumampi minsan.

Gaano kadalas ang makapiling kang minsan,
Sa 'kin sindalas ng walang wakas, saglit mang magpisan.
Dahil sa ganon paraan lang mag-iisa,
Kung magsasanib ang dalawang dibdib diba.

Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasing dalas.

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan,
Kahit minsan lang sa'kin para bang walang katapusan.
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay,
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan

Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasing dalas.

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan,
Kahit minsan lang sa'kin para bang walang katapusan.
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay,
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan


Video: Gaano Kadalas Ang Minsan (Minus One) von Lani Misalucha

Teilen

Zeige deinen Freunden, dass dir Gaano Kadalas Ang Minsan (Minus One) von Lani Misalucha gefällt:

Kommentare