Natutulog Ba Ang Diyos Songtext - Gary Valenciano

Natutulog Ba Ang Diyos - Gary Valenciano

Bakit kaya
Bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang, nasasayang ang buhay mo
At ang ibinubulong ng iyong puso
"natutulog pa ang diyos," natutulog ba?

Ba't ikaw ay kaagad sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan
Nasaan ang iyong tapang
Naduduwag, nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa
"natutulog pa ang diyos," natutulog ba?

Sikapin mo, pilitin mo

Tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog
Sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain
Natutulog ba ang diyos
Ang buhay mo ay mayro'ng halaga sa kanya

Bakit nga ba
Na ikaw ay maghintay
Na himukin at pilitin ka ng tadhana
Gawin mo na kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala
Sa maykapal
Nakahanda ang diyos
Umalalay sa iyo
Hinihintay ka lang kaibigan

sikapin mo pilitin mo
tibayan ang iyong puso
tanging ikaw ang huhubog
sa iyong bukas.
huwag mo sanang akalain natutulog ba ang diyos
ang buhay mo ay mayro'ng halaga
sakanya...


Video: Natutulog Ba Ang Diyos von Gary Valenciano

Teilen

Zeige deinen Freunden, dass dir Natutulog Ba Ang Diyos von Gary Valenciano gefällt:

Kommentare