Wala Nang Hahanapin Pa - Live Songtext - APO Hiking Society

Wala Nang Hahanapin Pa - Live - APO Hiking Society

Mayroon siyang estilong kanya lamang
Ang kanyang pagkababae ang dinadahilan
Pagsubok sa pag-ibig walang katapusan
'Di naman daw nagdududa, naniniguro lang

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko siya
Wala nang hahanapin pa

'Di raw nagseselos ngunit nagbibilang
Nang oras 'pag ako'y ginagabi
At biglang maamo 'pag may kailangan
'Pag nakuha na ikaw ay itatabi

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko siya
Wala nang hahanapin pa

'Di magpapatalo 'pag mayroong alitan
'Di aamin ng mali, magbabagong-isip lang

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, sinasamba ko siya
Minamahal ko pa, walang kaduda-duda
Wala nang hahanapin pa


Video: Wala Nang Hahanapin Pa - Live von APO Hiking Society

Teilen

Zeige deinen Freunden, dass dir Wala Nang Hahanapin Pa - Live von APO Hiking Society gefällt:

Kommentare