Doo Bidoo Songtext - APO Hiking Society

Doo Bidoo - APO Hiking Society

Kapag nag-iisa't kasama ang gitara
Basta't dumarating ang kanta
Awiting maaari rin kung may kasama
Tambol mo ay butas na lata


Sabayan ang sipol ang bawat pasada
Huminga nang malalim at sabay ang buga
Kapag buo na't handa na ang lahat
Sabay-sabay ang pasok sa bagsak ng paa


Heto na, heto na, heto na, hah hah


CHORUS 1
Doo bidoo bidoo, bidoo bidoo
Doo bidoo bidoo, bidoo bidoo
Doo bidoo bidoo, bidoo bidoo bidoo ahh


Mahirap gumawa ng kantang makata
Makulay na tugtugin at pananalita
At kapuna-puna na parang dambuhala
Mga boses na nagpapababa


At meron din namang nagpapaboses bata
Matataas ang tono'y tinig ay mahaba
Binubulong sa hangin ang bawat salita (hah)
Kapag naririnig mo ay nakakatuwa


Heto na, heto na, heto na, hah hah


[Repeat CHORUS 1]


Hindi naman kailangang boses mo'y maganda (ooh)
Basta't may konting tonong madaling makanta
Kung medyo sintunado ay hayaan mo na
Ang nais lang ng tao ay ang konting saya


Ihanda ang tropa at tambol na lata
Kaskasin mo nang mabuti ang dalang gitara
Kapag buo na't handa na ang lahat
Huminga ka nang malalim at narito na


Heto na, heto na, heto na, hah hah


[Repeat CHORUS 1 twice]


CHORUS 2
Bidoo bidoo bi, bidoo bidoo
Bidoo bidoo bi, bidoo bidoo
Bidoo bidoo bi, bidoo bidoo bidoo ahh

[Repeat CHORUS 1 5x till fade]


Video: Doo Bidoo von APO Hiking Society

Teilen

Zeige deinen Freunden, dass dir Doo Bidoo von APO Hiking Society gefällt:

Kommentare